Sunday, October 16, 2016

Ikalawang Markahan.
    >Dito, maipapakita ang mga natutunan ko sa mga nagdaang leksyon at kung paano ito isaalang-alang sa realidad na pamumuhay ๐Ÿ˜Š.

-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•


•Si Pele, Ang Diyosa ng Apoy at Bulkan
      Ang ugali natin ang isa sa mga basehan ng matagal na pakikipagsamahan bilang kaibigan o karelasyon ng mga tao ngayon..Ugali ang unang tinitignan saatin. Sa Akdang ito natutunan ko na,Dapat nating kontrolin ang ating mga ugali lalo na't hindi natin alam na nakakapandamay na pla tayo ng ibang tao. Hindi natin namamalayan na pati sarili nating pamilya napapahamak na. Hindi masamang magpakita na ika'y galit,dapat lamang inilu-lugar ito,dapat na kapag ikay nagpapakita ng galit walang nadadamay na ibang tao o miski pamilya mo,dahil ang lahat ng problemang dumadaan sa atin,ay nasusulusyonan pag may kasama.


Ang Mitolohiya
       Ang mitolohiya ay laganap noon hanggang ngayon.. Ang bawat bansa sa ating mundo ay may kanya kanyang uri ng mitolihiya.May mitolohiyang pilipino,Griyego,Romano at iba pa... Sa akdang ito,matututunan natin na ang buhay ay parang libro ng mga mitolohiya, sa bawat pahinang ating nilalagpasan laging may leksyon na tumatatak sa ating isipan,may mga leksyon na nagbibigay ngiti sa ating mga labi. Hindi natin masasabi na lahat ng bagay na nakasaad ay makatotohanan,dapat maging handa tayo sa mga bagay na walang kasiguraduhan.


Pokus ng Pandiwa
        Ang pokus ng pandiwa ay may ibat ibang uri o pokus nito, May:

Pokus sa tagaganap
Pokus sa Layon
Pokus sa gamit
Pokus sa sanhi
Pokus sa direksyom
Pokus sa tagatanggap
Poku sa ganapan.

Ang pokus sa pandiwa ay maihahalintulad natin sa buhay ng tao, marahil na marami tayong prayoridad o tungkulin sa ating buhay,dapat alam natin kung ano yung mga dapat nating unahin o isantabi, yung mga limitasyon natin. Ang buhay ay hindi nagmamadali,basta alam ko kung anong pupuntahan mo,panigurado na may kalalagyan ka.


Macbeth
       Ang pag gawa ng mabuti sa kapwa ay hindi masama,pero ang gumawa ng mabuti ngunit may kapalit, iyon ang masama. Lahat tayo ay may inaasam-asam sa buhay,Gusto nating makilala tayo ng lahat,maging tanyag na tao..

Lahat tayo ay may layon sa buhay,gusto nting maging ganto,maging ganyan.Pero naisip man lng ba natin na pag napasaatin na ba yung gusto natin may mawawalan na isa. Hindi masama ang maghanggad basta alam mo lng yung limitasyon mo, Aaihin ko yung gusto ko,kung alam naman nating may matatapakan tayong iba.Parang Sama naman tiganan,Wag nalang diba. Dapat gumawa tayo ng mabuti hindi dahil may hinihingi tayong kapalit,Gawin natin iyon dahil iyon ang nakabubuti. Hindi Susi ang kasamaan para mag tagumpay,saring sikap at determinasyon lng ang kailangan.


Ang Aking Abรข at hamak na tahanan
      Lahat tayo ay may mga pangarap na gustong makamtan, Pero naisip ba natin na pag ba naabot ko yung pangarap na yun,magiging masaya ba ako?

Hindi lahat ng bagay na nakukuha mong gusto mo ay magiging masaya ka, Hindi natin hawak ang ikot ng mundo,hindi lahat ng oras gusto natin yun,gusto natin iyan. Tayo ay itinakda ng diyos kung saan mas alam nyang liligaya tayo, Kung ano man ang posisyon mong iyan,alam mo at alam ng diyos na jan ka mas sasaya.



•Mga uri ng dulang pantanghalan.
        Ang buhay natin ay parang dula na inilalahad sa tiyatro, Kapana-panabik,Nakakalungot,Nakakatawa,Nakakaiyak. Paiba-iba.. Yan tayo eh. Inilalahad lamang natin yung imosyon na natural lng saatin, Kung ano yung nararamdaman natin,yun yung ipinapakita natin, mahirap magpanggap na masaya kung talagangasakit na, Dapat alam natin sa sarili natun kung paano ipakita yung tunay tayo,hindi yung lagi nalang tayong nag babalat kayo, nag papanggap.

Ipakita mo sa kanila na,nasa entablado man o wala, kung ano ako, ito ako.


Ang kuwento ng Isang Oras
      Tayong mga tao ay itinakda ng diyos kung kaylan o hanggang kailan mananatili o aalis sa kundont ibabaw. Hindi natin hawak ang Oras, May mga taong darating,mawawala,babalik, at mananatili. Ngayon,Kung alam mong nanjan lng yung taong nagapasaya sayo,mqgpasalamat ka magpasalamat ka kase nanjan sya at patuloy ka nyang minamahal. Huwag nating hintayin mawala pa yan bago natin makita yung kahalagahan nila.







SALAMAT SA PAGBASA  sana nagging MASAYA KA  ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜˜